April 24, 2024

LIZQUEN, TRIPLENG TALENT FEE TINANGGIHAN DAHIL SA LOYALTY

KUNG sa ibang mga artista ng ABS-CBN ay sunggab agad sila sa alok ng TV5 at GMA-7, ibahin ninyo ang LizQuen. Dinedma nila ang offer ng TV5 na tripleng talent fee, umalis lang sila sa kanilang network na pinaglilingkuran.

Nagdesisyon ang manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz, na hindi tanggapin ang nakakalulang talent fee na offer ni Mr. Manny Pangilinan para sa kanyang alaga dahil gusto nilang manatili sa ABS-CBN at bilang pagtanaw na rin nila nang utang na loob.

Dahil ayon sa kanila, ang Kapamilya Network ang nagbigay ng pangalan kay Liza Soberano para sumikat. Sa tulong din ng Star Cinema, ay pumaimbulog sa showbiz si Liza. Kaya mas minabuti nilang maging loyal sa ABS-CBN, kaysa iwan nila ang nasabing network.

Agree rin si Enrique Gil sa naging desisyon nina Liza at Ogie. Kaya maging siya ay hindi niya magagawang talikuran ang ABS-CBN na naglagay sa kanya sa rurok nang kasikatan.