April 24, 2024

WWE superstar Becky Lynch, pahinga muna ng ilang buwan dahil sa injury

Pahinga muna si WWE superstar Becky Lynch sa pakikipagkaldagan sa wresting ring. Ito’y matapos magtamo ng injury sa balikat. Nagkaroon ng exacerbated a separated shoulder na natamo nito sa 2022 WWE Summerslam laban kay Bianca BeLair, ang reigning Raw Women’s Champion.

Nabigo si Lynch na muling maagaw ang title belt. Makalipas ang 48 oras, lumala ang injury dahil sa ambush attack sa kanya sa episode ng WWE Raw. Tatlong babae ang gumulpi sa kanya sa pangunguna ni dating Smackdown Women’s Champ Bailey kasama si Iyo Sky at isa pa.

Dahil dito, inaasahang mawawala  ng ilang buwan si Lynch. Ngunit, hindi  tiyak kung ilang buwan habang sumasailalim sa pagpapagaling. Si Lynch ay esposa ni WWE star Seth Rollins sa tunay na buhay at ay isa na silang anak.