March 29, 2024

WWE STAR MICHELLE McCOOL,INIMBESTIGAHAN NG MGA PULIS DAHIL SA PAGPASLANG UMANO KAY ‘THE UNDERTAKER’

Inimbestigahan si WWE star Michelle McCool, (42) ng mga pulis kaugnay sa isang murder scenario. Ito ay tungkol sa pagpatay umano niya sa kanyang mister na si WWE legend ‘The Undertaker’.

Ayon sa former Divas champion, tatlong pulis ang pumunta sa bahay nila sa Austin, Texas. Kung saan, pinagsususpetsahan siya na may kagagawan sa pagpatay kay Undertaker. Hinahanap ng mga ito ang Hall of Famer na wrestler sa bahay.

May tumawag daw sa 911 at nagsumbong sa otoridad na pinatay nito ang WWE legend. Ayon pa sa tumawag, maso umano ang ginamit ni McCool sa pagpaslang kay “The Phenom”.

Nagtataka naman siya kung bakit siya in-interrogate ng mga ito. Kaya hindi siya makakilos ng maayos at nininerbiyos. Natauhan lamang ang mga pulis nang lumabas si Undertaker mula sa palikuran.

Sa bandang huli, lumabas din ang totoo na may nagprank lang pala sa kanila. Paniwalang-paniwala pa naman ng mga pulis na totoo nga ang sumbong.

We finally get to the back of the house, he walks out in his towel, there’s three cops behind me and he’s like, ‘What is going on?, ani McCool sa ‘The Wives of Wrestling Podcast.