April 19, 2024

WRESTLER NA FINANCIER NG MGA POLITIKO TUWIG ELEKSYON

Si Mark William Calaway o mas kilala sa bansag na “The Undertaker” ay isang sikat na WWE wrestler. Bukod sa pagiging matikas sa sa ibabaw ng ring, siya ay business minded rin.

Katunayan, nag-invest siya sa real estate kasosyo si Scott Everhart. Nagpatayo sila ng isang gusali sa Loveland, Colorado na tinawag na “ The Calahart” na nagkakahalaga ng $2.7 milyong dolyar.

Bukod dito, si Undertaker at ang ex-wife niyang si Sara ay nagtatag ng The Zeus Compton Calaway Save the Animals fund sa Texas A&M College of Veterinary Medicine & Biomedical Science.

Layun nito na na matulungan sa aspektong pinansiyal ang pagpapagamot sa mga large breed dogs. Si Undertaker ay nagi-isponsor din ng mga politiko para sa mga kandidato ng partidong Republican tuwing may halalan sa Estados Unidos. 

Noong 2020 U.S elections, sinasabing isa si Undertaker sa nag-isponsor sa kandidatura ng ilang senators.