April 20, 2024

WARRIORS, BINALIBAG ANG CELTICS SA GAME 5, LAMANG NA SA 3-2 SERIES SA FINALS

Photo Courtesy: NBA/ Getty Image/ AFP

Binalibag ng Golden State Warriors ang Boston Celtics sa Game 5 ng 2022 NBA Finals, 104-94. Kaya naman, itinarak ng Warriors ang 3-2 lead sa series. Bumida sa panalo ng home team si Andrew Wiggins na may 26 points. Kasama na rito ang 13 boards at 2 assists.

Nagdagdag naman si Klay Thompson ng 21 points, 3 boards at 2 assists. Sa first quarter pa lang, bumira na agad ng intense offense ang Warriors. Gayundin ang mahigpit na depensa.

Naalagaan nila ang lamang at bitbit ang 16 point lead sa halftime 51-36. Subalit humabol ang Celtics sa ipinosting 14-0 run sa third quarter. Ngunit,muling umarangkasa ang home team.

Bitbit ng Dub City ang momentum hanggang last quarter. Inalat sa opensa at depensa ang Boston. Nakadagdag din sa kalbaryo nila ang 18 turnovers. Lumagare naman si Jayson Tatum ng 27 points sa Celtics. Gayundin ang 10 boards at 4 assists.

Habang si Marcus Smart naman ay bumuslo ng 20 points at 3 boards. Mula sa Chase Center sa San Francisco, idaraos naman ang Game 6 sa The Garden. Ikakasa ito sa Huwebes, 9:00 PM (Biyernes/ Manila Time) sa ganap na alas 9:00 ng umaga.