April 20, 2024

Wanted person nasakote sa SACLEO sa Valenzuela

HIMAS-REHAS ang isang wanted person matapos silbihan ng pulisya ng warrant of arrest sa kanyang bahay sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang naarestong akusado bilang si Edmond Teng Pineda, 41 ng No.107 St. Peter ,Tugatog, Veinte Reales, Valenzuela City.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang maaresto ng mga tauhan ng SS6 sa Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) ang akusado sa kanyang bahay.

Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong May 20, 2022 ni Hon. Mateo B. Altarejos, Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 16, Valenzuela City para sa kasong paglabag sa Section 10 RA 7610 at Unjust Vexation (RPC of Art 287).

Tinurnover ng SS6 ang naarestong akusado sa Valenzuela Police Warrant and Subpoena Section (WSS) para sa proper disposition.