April 24, 2024

Walang bagong kaso ng COVID-19 sa latest NBA test results

MIAMI (AFP) – Walang nagpositibo sa mga players na dumaan sa bagong COVID-19 testing.

Ayon NBA, zero ang resulta mula sa 346 players na dumaan sa test.

Dalawang NBA players lamang ang nagpositibo noong July 13.

Ayon sa liga, hindi pa aniya fully cleared ang mga ito.

Kaya, hindi sila pinayagang magtungo sa NBA bubble sa Disney World.

Para maiwasan ang virus, naglatag ng 113 page health protocol ang liga.

Nakasaad sa protocol na lahat ay dapat magsuot ng mask, sundin ang social distancing rules.

Gayundin ang pagsailalim sa daily testing.

Dapat ding iulat araw-araw ng mga participantang anumang sintomas.

Kabilang na rito ang kanilang temperatura at oxygen levels.