MAY pasaring si Vice President Sara Duterte na ngayon ay usap-usapan sa social media kung sino ang pinasasaringan nito.
Ang parinig ni Duterte ay ginawa niya sa Instagram, ilang araw matapos kumalas sa Lakas-CMD.
“In your ambition, do not be tambaloslos,” sabi ni Duterte.
Ang tambaloslos ay isang uri ng aswang sa Bicolano myths.
Nauna nang nagbitiw si Duterte sa Lakas-CMD isang araw matapos na tanggalin si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang senior deputy speaker. Hindi naman tinukoy ni Duterte kung sino ang pinariringgan.
More Stories
Mga ‘di rehistradong baril nakumpiska sa 10 Chinese, 5 Pinoy sa pagtutulungan ng AAVA Security-NBI
Mula sa P13-B… Halaga ng nasabat na droga sa Batangas, P9-B – PNP
ITLOG SA NEGROS OCCIDENTAL LUMIIT DAHIL SA MATINDING INIT