March 29, 2024

VICE GANDA, KAHIT MAY PANDEMYA ‘DI NAWAWALAN NG TRABAHO

Sabi ng mga bashers ni Vice Ganda, kaya raw putak ng putak ito’y dahil may pinagkikitaan pa.

Pero, kung nagaya siya sa ibang mga artista, ay baka nauna pa siyang lumipat sa ibang TV station. Malakas pa ang loob niya dahil, may trabaho pa siyang pinangangalagaan.

“Naku naapektuhan din si Vice Ganda, kasi nawalan siya nang mga raket. Gaya na lamang nang paggawa ng pelikula, dahil nga sa pandemyang iyan tigil muna ang paggawa ng pelikula.”

Ano na lamang ba ang natira kung hindi ang ‘It’s Showtime,’ hindi gaya ng dati may fiesta, mga gig’s at mga corporate shows pati na rin mga International Concert Tour nawala rin.

Kumikita oo, pero hindi gaya ng dati. Halos lahat naman apektado, sa side ko siguro dahil nakapag-ipon iyon bali ang ginagamit ko.”


Pero iba talaga iyong may pinagkakakitaan, basta lahat apektado mabuti na lamang ay may show pa mandin ako,” ani Vice.”