April 20, 2024

UTAH JAZZ, PINAPAK ANG NUGGETS, OKC, TIGPAS SA WARRIORS

Bumida si Rudy Gobert sa pagpapak ng Utah Jazz sa Denver Nuggets, 122-110 sa 2021-22 NBA season.

Bumuslo ang French cager ng 23 points at 16 rebounds. Nag-ambag naman si Donovan Mitchell ng 22 points, 6 assists at 2 boards. Si Fil-AM Jordan Clarkson naman ay bumira ng 19 points at 3 boards.

Sa panig naman ng Nuggets, gumawa si Nikola Jokic ng 24 points at 6 boards. Mga 15 minutes lalang naglaro ang Serbian big man.


Umalalay naman si Aaron Gordon ng 20 points at 7 boards. Sa ngayon, pangalawa sa standings sa Western Conference ang Jazz na may 2-0. Habang nasa 6 seed naman ang Denver sa kartadang 2-2.


Samantala, naiangat ng Golden State Warriors ang 4-0 standings sa Western Conference. Ito’y matapos tigpasin ang Oklahoma City Thunder, 106-98.


Kumana si Stephen Curry ng 23 points, 6 boards at 4 assists.Nag-ambag naman si Andrew Wiggins ng 21 points, 4 assists at 4 boards. Sa Thunder naman, bumanat si S. Gilgeous Alexander ng 30 points at 4 assists. Dahil sa talo, nalaglag sa last seed (15) ang Thunder namay 0-4 record sa nasabing conference.