April 24, 2024

‘United City Football Club’ na ang Ceres-Negros

Inanunsiyo ng MMC Sportz Asia na sila ang nakabili ng Ceres-Negros Football Club kay Leo Rey Yanson.

Ang MMC Sportz ay tambalan ng Dubai at Manila based sports marketing agency na pinamumunuan ni founder at CEO Eric M. Gottschalk.

Dahil sa hawak na nila ang nasabing football club, babaguhin nila ang pangalan nito ng ‘United City Football Club’.

Isinumite nila sa Philippine Football Federation (PFF) ang aplikasyon tungkol sa pagpapalit ng pangalan.Inihayag din bagong owner na ipagpapatuloy din nila ang pagsali sa 2020 AFC Cup.

Inilahad din sa nasabing dokumento na 16 rosters nito ang nagsabing lalahok sa bagong proyekto.

Mananatili rin bilang general manager si Ace Bright. Balak din ng bagong management na kunin bilang bagong head coach si Risto Vidakovic.