April 24, 2024

‘TROIKA’ SEASON 2 INAABANGAN NA

Mapapanood na ang ‘Troika’ Season 2 sa Youtube simula sa July 10 na pagbibidahan ng kilalang aktor na si Mel Martinez.

Makakasama niya rito ang mga bagong bituin sa industriya ng showbiz na sina Athalia D. Badere at Miko Akashi.

Tiyak na tutukan lalo ng mga fans ang mga kaabang-abang na eksena sa ‘Troika’ Season 2 sa panulat at direksyon ni CJ Samson Barinaga habang ang director of photography nito ay si El-El Barinaga.

Umiikot ang kuwento ng Season 2 sa isang hindi pangkaraniwang pamilya kung saan gaganap si Mel bilang George na tiyuhin at foster parent nina Miko (Junjun) at Athalia (Shanshan).

Habang lumalaki ang mga bata ay nagkakaroon ng maraming pagsubok sa buhay. Papaano kaya nila pananatilihing buhay ang kanilang mga pangarap at haharap ang mga pagsubok bilang isang buong pamilya?

‘Yan ang dapat abangan!


Mapapanod ang ‘Troika’ Season 2 sa Troika Family Youtube Channel kaya mag-subscribe na!