April 23, 2024

TRAE YOUNG NG HAWKS, HINULAANG IISKOR NG 50 POINTS SA GAME 6 SI THOMPSON

Nagbigay ng prediction si Trae Young, star guard ng Atlanta Hawks tungkol kay Klay Thompson. Aniya, malamang na ito ang pumutok sa tres sa Game 6 kaysa kay Stephen Curry.

Malamang na umiskor aniya ang Golden State Warriors shooting guard ng 50-60 points.

I feel like Klay going for 50 in Game 6. He just getting warm right now,” aniya. Mangyayari raw ito kapag naka-focus lang ang depensa ng Boston kay Curry.

Kapag uminit si Thompson sa tres ay malaking problema raw ito sa Celtics. Ang Game 6 ay idaraos sa The Garden sa Boston sa Biyernes, PH time.