April 25, 2024

TIMBERWOLVES, NILAPA ANG LAKERS, SPURS, SINIPA NG DALLAS

Nilapa ng Minnesota Timberwolves ang Los Angeles Lakers via blow-out win, 107-83. Nanguna si Karl-Anthony Town sa ratsada ng Wolves, 40-12 sa third quarter. Na naging dahilan upang matambakan ang Lakers hanggang sa huli.


Bumira si Towns ng 29 points, 7 boards at 2 steals. Habang si De ‘Angelo Russell naman ay gumawa ng 22 points, 7 assists at 5 boards.


Sa panig naman ng Lakers, bumuslo si Anthony Davis ng 22 points, 8 boards at 3 steals. Habang si Russell Westbrook naman ay gumawa ng 20 points. Kasama na rito ang 5 rebounds at 3 assists.

Samantala sa iba pang laro, pinitik naman ng Dallas Mavericks ang San Antonio Spurs, 123-109. Bumira ng 32 points at 7 boards si Kristaps Porzingis. Habang si Luka Doncic naman nagtala ng triple double. Kumamada siya ng 32 pts, 15 ast at 12 rebounds.

Binalibag naman ng Denver Nuggets ang Atlanta Hawks, 105-96. Tinirador naman ng Brooklyn Nets ang New Orleans Pelicans, 120-112.