March 29, 2024

STEPHANIE RAZ, INAABANGAN NA NG MGA BARAKONG KENGKOYS

Walang dudang isa ngayon si Stephanie Raz sa ultimate pantasya ng mga kalalakihan. Ibang klase ang dating nito na kahit hot ay wholesome ang image. Di naman kasi bastusin ang kariktan ni Stephanie. Hinahangaan siya sa kakaibang rare ng kanyang alindog. Ika nga ng mga bakari, malakas lang ang kanyang sex appeal. Gayunman, huwag naman sanang balahurain.


Kaabang-abang na nga siya movie na ‘Pornstar 2: Pangalawang Putok’ ng VivaMax. Hindi ito bastos na materyal. Kundi it’y isang sexy-comedy film. Kaya, bukod sa mag-iinit ka ay matatawa ka pa. At least, pampaligaya di ba? Mapapanood ito sa December 3.


Kasama ni Stephanie sa movie sina Alma Moreno, Rosanna Roces, Maui Taylor at Ara Mina. Makakatuwang niya sa pagbibigay ng saya sina Cara Gonzales, Ayanna Misola at Sab Aggabao. Ang mga newly cute babes na ito ay inaabangan na ng mga barakong kengkoys.