April 19, 2024

SPURS, NILUNOD NG LAKERS, ROCKETS,PINASABOG NG MAVERICKS

Nagtuwang sina Anthony Davis at Russell Westbrook sa paglunod ng Los Angeles Lakers sa San Antonio Spurs, 125-121 sa OT. Gumawa si Davis ng 35 points, 17 boards at 4 blk at 4 ast.


Sa panig naman ng San Antonio, gumawa si J. Poetl ng 27 points, 14 boards at 3 blk. Mula umpisa hanggang huli ng laban ay dikitan lang score. Natambaka pa ng 12 points ang Lakers sa 3rd quarter.


Ngunit, nakabalikwas ang Lakers sa 4rth quarter kahit di naglaro si LeBron James. Sa iba pang laro, pinaturit ng Dallas Mavericks ang Houston Rockets, 116-106.


Bumida sa panalo ng Dalla si Luka Doncic na bumira ng 26 points, 14 boards at 7 assists. Si Tim Hardaway naman ay nag-ambag ng 16 points, 2 boards at 2 steals. Ang bagong salta namang si Reggie Bullock ay gumawa ng 16 points at 4 boards.

Samantala sa iba pang laro, pinitpit ng New York Knicks ang Philadelphia 76ers, 112-99. Bumida para sa Knicks si Kemba Walker na nagtala ng 19 points. Si Julius Randle naman ay kumana ng 16 points at 11 boards.