April 20, 2024

Singer na si Jona, umampon ng 30 aso at 40 pusang kalye, 70K ang gastos sa kada buwan

Ibang klase rin pala ang singer na si Jona dahil isa siyang dog and cat lover. Katunayan, may inampon siyang mga aspin na stray cats at dogs. Sa mismong bahay nila inaalagaan ang mga nasabing hayop.Bukod pa sa kaniyang inaalagaang pets.

Ayon sa veteran singer, nasa 30 aso at 40 pusa ang kanyang ni-rescue at inalagaan. Ang nakagugulat pa, umaabot sa 70,000 libong piso ang nagagastos niya sa mga ito. Pambili ng pagkain ng mga ito. Maliban pa sa gastos niya sa vet clinic kap[ag nagkakasakit ang mga ito.

Naaawa raw kasi siya sa mga ito.Kaya, nagpasya siya na ampunin at alagaan. Nagsimula ito noong July 15. Kwento ng singer, isang pusa lang ang kinuha niya sa kalye. Ito yung madalas na sumasalubong sa gate ng bahay nila kapag dumarating siya. Mula rito, isa-isa nang nadagdagan ang kanyang mga inampon.

Ginawan ko po talaga ng paraan, nagkasya naman po sila sa bahay ko. At may kanya-kanya silang lugar doon,’ ani ng mabait na singer.

 “Kasi kumbaga, sila ‘yung kino-consider natin na voiceless na creatures, ‘di ba? So, sino pa ang tutulong sa kanila; kundi tayong mga tao na marunong mag-isip at may puso for those kind of creatures,’ dagdag nito.