April 24, 2024

SHAINA MAGDAYAO AT PIOLO PASCUAL, NAISPATANG MAGKA-HOLDING HANDS SA BOHOL

May something ba kina Shaina Magdayao at Piolo Pascual. May relasyon ba sila? May nakakita kasi sa dalawa na magkasama sa Bohol. Magkaholding hands ang dalawa at sweet sa isa’t-isa.

May post pictures din na magkayakap sila.

Nakuhanan sila ng pic na ipinost ng ilang netizens sa social media. Kasama ng dalawa sina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria. Malamang na may ginagawa silang project.

Hinala ng madla, may relasyon sina Shaina at Piolo. Pero, hindi naman kinumpirma ng dalawa ang tungkol sa real score nila.