April 25, 2024

SENIOR CITIZENS SA TAYTAY RIZAL MAKAKAPANOOD NA MULI NG LIBRENG SINE

MALAPIT na muling makapanood ng libreng sine ang mga senior citizens ng Taytay, Rizal makalipas ang mahigit dalawang taon na pananatili sa loob ng kanilang bahay dahil sa nakakamatay na sakit na COVID-19.

Personal na nagtungo si Taytay Mayor Joric Gacula upang ihatid ang kasunduan sa SM Cinema at  kay SM Vice President Steven Tan para sa libeng sine sa mga nakatatanda sa pamamagitan ni SM Taytay Mall Manager Maureen Fernandez.

Ayon kay Gacula, hinihintay na lamang ang lagda ng SM Vice President for Cinema na ibabalik sa Sangguniang Bayan para sa ratification ng kanilang pirmadong kontrata.

“Konting intay na lang mga mahal kong Senior citizens ng Taytay at makaka nood na kayo ulit ng Libreng Sine,” ayon sa alkalde.