April 25, 2024

SELINA DAGDAG-ALAS, POSITIBO PA RIN SA KABILA NG MISCARRIED

Malungkot ngayon ang PBA court side reporter-host na si Selina Dagdag-Alas. Nakunan kasi ang wife ni NLEX Road Warriors player na si Kevin Alas. In good faith kasi siya at di alam na preggy.


Nalaman lang nilang mag-asawa na nagdadalag-tao si Selina, two months after ng kanilang kasal. Kalaunan, sad nitong ibinahagi sa socmed ang nangyari sa kanya.


Kevin and I found out we were 5 weeks pregnant. Sadly, entering the 2nd month, we learned that the pregnancy did not progress and I miscarried,” caption ni Selina sa Instagram.


Sa kabila ng nakapanlulumong nangyari, positibo pa rin ang pananaw ng host sa buhay. Lumalakas ang kanyang loob sa prayers ng kanyang mga kaanak at mga kaibigan.