April 25, 2024

SEKYU NAMARIL DAHIL SA EXPIRED NA STICKER NG SASAKYAN

ARESTADO ang isang security guard ng BF Homes sa Parañaque City matapos masangkot sa insidente ng pamamaril.

Base sa inisyal na imbestigasyon nagkaroon ng pagtatalo sapagitan ng sekyu na nakilalang si Yasser Lingcol at ng biktima dahil sa umano’y expired na sticker ng kanyang sasakyan bilang residente ng BF Homes.

Kaugnay nito nagkaroon ng tensyon  dahil sa umanoy pagpapaputok ng baril ng suspek sa gulong ng sasakyan ng biktimang si Ethan G . Besas, 48 years years old  residinte ng #10 Ilang- Ilang st. Tahanan Village Barangay BF Homes Parañaque City.

Agad naman rumesponde ang mga tauhan ng Police Sub-Station sa BF Homes at agad na dinis-armahan ang gwardya na ngayon ay nakatakdang sampahan ng kaso ng biktima.