April 23, 2024

SC, tutulong para maparami ang nagpapabakuna sa bansa

SINIGURO ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo na aatasan niya ang Office of the Court Administrator na ipaalam sa lahat ng lower courts ang ‘PinasLakas’ na kampanya ng Department of Health.

Ito ay bilang pakikiisa ng Korte Suprema para maparami pa ang nagpapabakuna sa bansa.

Ayon kay Gesmundo, hinihimok niya ang lahat, hindi lang ang mga empleyado ng korte na magpabakuna kundi maging ang mga abogado.

Puwede rin magpabakuna sa mga korte  ang pamilya ng mga empleyado ng Korte para matiyak na ligtas ang lahat, kontra COVID-19.