March 28, 2024

SANYA LOPEZ, ANG BAGONG BIG STAR NG KAPUSO NETWORK

Nagdiriwang ang mga fans ngayon ni Sanya Lopez. Dahil siya sa ngayon ang tinaguriang ‘apple of the eye’ ng Kapuso Network. Tinuturing na nga bang isa si Sanya na kabilang sa big star ng GMA-7?  

Dahil tanging si Sanya Lopez lamang ang artistang nakasama sa malalaking teleserye ng GMA-7.

Sa ‘Agimat Ng Agila,’ si Bong Revilla lamang ang kanyang katambal. Sa ‘First Yaya’ naman ay si Gabby Concepcion naman ang kanyang leading man.

Tinalbugan ni Sanya ang mga artistang matagal nang nangarap na mapabilang sa malalaking teleserye. Na ang bida ay talaga namang mga big stars.

Sino ang mag-aakala na makakasama niya sina Ramon Revilla Jr. at Gabby Concepcion sa mga teleserye ng Kapuso Network.

Deserving naman siya, dahil bukod sa mabait ay talaga namang pokus siya sa kanyang showbiz career dahil may gusto raw siyang patunayan.

Kung tutuusin hindi ito aksidente, talagang maswerte lamang ang isang Sanya Lopez dahil naging matiyaga at pasensiyoso ito sa kanyang showbiz career.”

Hindi rin siya nagmamadali, kaya nga nang dumating ang kanyang swerte ay hindi na niya ito pinakawalan pa.“

Sa ngayon ay unti-unti nang gumagawa ng malaking pangalan ang isang Sanya Lopez sa mundo ng showbiz.” Chika pa ng aking espiya na taga GMA-7.