April 19, 2024

RYZA CENON, PINIYANSAHAN ANG LOLO NA IKINULONG DAHIL SA 10 KILONG MANGGA

To the rescue ang aktres na si Ryza Cenon kay Lolo Narding Floro na taga- Asingan, Pangasinan. Nagpahayag ang aktres na siya ang magbabayad ng bail ng matanda.

“Ako na ang magbabayad ng bail para makauwi na siya sa bahay nila.”

Katunayan, nakipag-ugnayan na ang kanyang kampo sa Asingan Police para makalaya si lolo Narding. Sa tulong ng aktres, nakauwi na ito sa kanilang bahay.


Ang nasabing matanda ay ikinulong dahil lamang sa 10 kilong mangga. Nagnakaw daw gayung siya ang nagtanim ng nasabing bungang kahoy.


Nagviral kasi ang nangyari kay lolo Narding na hindi aniya makatarungan. Naantig ang damdamin ng mga netizens sa sinapit ng matanda. Pati mga celebrities ay nakisimpatiya na rin dito. Lao na ng kuhanan ito ng mug shot na lumuray sa reputasyon ng kawawang matanda.

Isa na nga rito si Ryza na naaawa sa kalagayan ni lolo Narding. Na hanggang ngayon ay nakapiit sa presinto sa Asingan. Inaresto ang matanda noong Enero 13 pa sa bisa ng warrant na ikinasa ng nagreklamo.

Isa pa, pinagbabayad ang matanda ng P6,000 para sa kinuhang mangga. Gusto sana ni lolo Narding na makipag-ayos pero ayaw ng may-ari ng bakuran.Problema rin nito ang P6,000 piyansa upang makalaya na.