April 18, 2024

RUSSELL WESTBROOK, UNDECIDED PA KUNG AALIS O MANANATILI SA LAKERS

Photo courtesy by NBA/ Getty Image

Mayroon na lamang 2 araw si Russell Westbrook na magpasya kung mananatili sa Los Angeles Lakers. Napaulat na undecided pa rin ang point guard kung aalis o hindi sa team. ‘O kung ikakasa nito ang kanyang $47 million player option para sa 2022-23 season.

Nilinaw ni Lakers General manager na walang magbabago sa siste ng team. Sapol nang kunin si Darvin Ham bilang head coach. Aniya, welcome pa rin si Westbrook.

He has more days to figure all that out with his family,” ani Pelinka.

“But if he comes back, he will be embraced here with open arms and want to put a path in front of him to have a successful season.”

May mga sitsit na magsasamang muli si LeBron James at Kyrie Irving. Mangyayari lamang ito kung iti-trade si Westbrook papunta sa Brooklyn Nets. Pero, malabo itong mangyari dahil sa laki ng salary ng star point guard.