April 24, 2024

ROYAL RUMBLE NG MGA PRESIDENTIABLES AT VP, KUMALAMPAG NA PARA SA HALALAN

Nagpahayag na mga Ka-Sampaguita ang mga nagnanais na tumakbo sa eleksyon. Lalo na sa mataas na posisyon kagaya ng Pangulo at Bise Presidente. Kumbaga sa wrestling na Royal Rumble, maganda ang line-up ngayon ng mga kandidato.

Pawang may ibubuga.Kabilang nga rito si Sen. Manny Pacquiao. Manila Mayor Isko Moreno, VP Leni Robredo. Gayundin si Sen. Ping Lacson


Magiging katandem naman ni Lacson si Sen. Tito Sotto. Si Dr. Willie Ong naman bilang Bise ni Moreno.
Kung tatakbo naman si Pangulong Duterte, may sitsit na makatatambal nito si dating Senador Bongbong Marcos.
May sitsit din na tatakbong Pangulo si senador Dick Gordon. Wala pang opsiyal na anunsiyo ang kampo ng PDP-Laban kung sino ang mamanukin nila sa halalan.


Habang tinitipa ito, di pa tiyak kung sino kina Davao City Mayor Inday Sarah Duterte, Pangulong Digong at Sen. Bong Go ang tatakbo.


Gayunman, di tulad ng mga nakaraang eleksyon, malakas ang mga tatabo ngayon. Pero, magkakaalaman lang yan sa bandang huli. Lalo na kapag nagkaroon na ng kaliwa’t kanang survey.