April 23, 2024

ROBIN PADILLA, TATAKBONG SENADOR (Tagapagtanggol ni Digong, miyembro na ng Cusi-wing ng PDP-Laban)

Nanumpa bilang miyembro ng PDP-Laban ang aktor na si Robin Padilla para sumabak sa senatorial race sa eleksyon sa susunod na taon.

Ang kanyang kapatid na si Rommel ay namumpa din sa ruling party para naman kumandidato sa pagka-kinatawan ng unang distrito ng Nueva Ecija.

Ipinanumpa sila ni PDP Laban President Alfonso Cusi.

Ang ama ng magkapatid, si Roy Padilla, ay naging gobernador ng Camarines Norte at naging assemblyman.

Si Rommel Padilla ay naging board member na ng Nueva Ecija.

Samantala, si Robin naman ay kabilang sa mga masugid na kumampaniya para kina Pangulong Duterte noong 2016 at noong 2019 naman ay kay Sen. Christopher Go, na tatakbo sa pagka-pangalawang pangulo sa susunod na taon.