April 23, 2024

RITA DANIELA, AYAW SABIHIN KUNG SINO ANG DADDY NG KANYANG BABY

Tikom ang bibig ni Rita Daniella kaugnay sa kanyang pagdadalang-tao. Lalo na kung sino ang ama ng kanyang magiging baby. Non-showbiz kasi ang kanyang BF kaya minabuti niyang huwag munang pangalanan.

[There are] some things in life na ang sarap na ikaw lang muna. ‘Yung tini-treasure mo ‘yung blessing na ‘yon at ninanamnam mo ‘yung good news,” saad ng aktres.

Aniya, nakapa-private person daw ng kanyang BF. Pati nga ang relasyon nila ay private. kaya marami ang nagulat sa biglang pagiging preggy niya.Kaya nagdesisyon si Rita na manahimik na lang muna sa ngayon.

Bagamat wala pa aniya sa plano nila ang kanyang pagbubuntis, itinuring niya itong blessing.