March 29, 2024

RETIRADONG SUNDALO, 1 PA ARESTADO SA DRUG BUY BUST SA VALENZUELA

asakote ng mga operatiba ng Valenzuela Police SDEU team sina Arnel Bataller alyas “Sundalo”, 46, retired Philippine Army at Joel Casuple alyas “Belok”, 42, sa buy-bust operation sa sa No. 3072 Apartment Building, Unit C2, JB Juan St. Brgy. Ugong, Valenzuela City. Nakuha sa kanila ang humigit-kumulang sa 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P81,600, buy-bust money, P750 cash, 2 cellphones at 2 coin purse. (RIC ROLDAN)



ARESTADO ang dalawang hinihinalang sangkot sa illegal na droga, kabilang ang isang retiradong sundalo sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na sina Arnel Bataller alyas “Sundalo”, 46, retired Philippine Army at Joel Casuple alyas “Belok”, 42 ng Modesto St, Brgy. Mapulang Lupa.

Sa report ni SDEU investigator PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong ala-1:45 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo ng buy bust operation sa inuupahang bahay ni Bataller sa No. 3072 Apartment Building, Unit C2, JB Juan St. Brgy. Ugong.

Nagpanggap na buyer si PCpl Maverick Jake Perez kung saan nagawa nitong makipagtransaksyon sa mga suspek ng P500 halaga ng droga.

Matapos matanggap ang pre-arranged signal mula kay PCpl Perez na hudyat na nakabili na siya ng droga ay agad lumapit ang back-up na sina PCpl Isagani Manait at PCpl Robbie Vasquez saka inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 12 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P81,600, buy-bust money, P750 cash, 2 cellphones at 2 coin purse.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (JUVY LUCERO)