April 23, 2024

RAKET NGAYONG COVID-19, PAPATULAN MO KAYA? GALA AT INOM LANG NG BEER, KOMPANYA, MAGBABAYAD NG $12,000

Sa hirap ng buhay ngayon dahil sa COVID-19 pandemic, hindi alam ng ilan sa atin kung saan kukunin ang gugugulin sa araw-araw.

Karamihan kasi, nawalan ng trabaho. Kung meron man, on-call lang. Kaya, naghahanap ang ilan ng raket. Papaano kung may isang kompanya na mag-alok sa iyo nun?

Ang gagawin mo lang, gumala sa iba’t-ibang panig ng mundo. Pati na rin ang lumaklak ng beer. Weird ano? Pero, totoo!

Sagot na rin ng firm ang gastos sa travel at lodging expense.  Ang American chain of tavern na “World of Beer” ay nakabase sa Florida.

Kada taon, naghahanap sila ng 3 katao bilang summer interns. Kapag natanggap, gugugulin ng mga interns ang 4 months ng summer.

Ang criteria, dapat 21-anyos at may working permit.

Pupunta sa iba’t-ibang breweries at taverns sa buong America. Pagkatapos, ibabahagi ito sa various social media platforms ang kanilang experience. Nagsimula ang gimik na ito noong taong 2016