April 19, 2024

POSER NI JANE DE LEON, TARGET LOKOHIN SI SEN. VILLANUEVA

Naloka ang aktres na si Jane de Leon dahil ginagamit pala ang name niya sa politika. May isang poser kasi na ginagamit ang pangalan niya.


Ang siste, pinaparenta at ibinebenta ang account niya sa ilang politiko. Gayundin ng influencer.
Isa nga sa balak isahan at lokohin ay si Sen. Joel Villanueva. Nagcomment ang poser ng bagong ‘Darna’ sa wall ng mambabatas.


“Hi if u want to rent my page for posting article just pm me.”


Kaya, nagbabala ang aktres na huwag basta-basta maniniwala sa ganyan. Dahil baka makapanloko pa ang mga poser. Na gagawin ang di tama makapanloko lang at magkapera. It means, malakas na talaga ng hatak ng aktres. Kaya, ginagamit siya ng mga salbahe.