April 20, 2024

PORTLAND TRAILBLAZERS, LALATAGAN NG $100M SI DAMIAN LILLARD

Photo Courtesy” NBA/ Getty Image

Lalatagan ng Portland TrailBlazers si star guard Damian Lillard ng $100-million contract extension. Saklaw ito ng two-year contract extension upang manatili ang baskebolista sa team. Mas mababa ito sa hinihingi ni Lillard na $107-million ayon sa ESPN.

Sasapit sa kanyang ika-32 kaarawan si Lillard ngaying July. Kung saan, papasok sa 4-year $176 million extension na nilagdaan nito noong July 2019. Magpapaso naman ito na may player option para sa 2024-25 season.

Naglaro lamang siya sa 2021-22 season ng 29 games dahil sa abdominal surgery. Huli siyang naglaro noong Dec.31. Sumailalim naman siya sa surgery noong Jan. 13, 2022.