April 19, 2024

POLITICAL PRISONERS, PALAYAIN!

Nagsasagawa ng kilos-protesta habang nakasakay sa kanilang bisikleta na tinawag nilang ‘Bike for Freedom’ mula sa Liwasang Bonifacio papuntang Taft at nag-U-turn sa Freedom Triangle Plaza sa harap ng Manila City Hall ang mga miyembro ng pamilya at kaibigan ng mga bilanggong pulitikal para manawagan sa gobyerno na palayain ang lahat ng political detainees lalo na sina Cora Agovida at Michael Tan Bartolome na nasa kustodiya ngayon ng Manila City Jail para sa kanilang nakatakdang promulgation, matapos mailabas ang hatol na maabsuwelto ang dalawa. (Kuha ni JHUNE MABANAG)