April 19, 2024

PHOENIX SUNS, TINUPOK ULI ANG LAKERS, 123-94 NBA PRESEASON GAME

Muling tinupok ng Phoenix Suns ang Los Angeles Lakers sa 2021 NBA preseason game, 123-94. Ito na ang 2 beses na natalo ang L.A sa kanilang head-to-head clash.


Gumawa si Cris Paul ng 15 points para sa Suns. Bandera naman si Javale McGee sa itinalang 12 points, 9 boards at 12 assists.Sa panig naman ng Lakers, naglista ng 19 points, 3 boards at 6 assists si Anthony Davis.Nag-ambag naman ng 5 rebounds si DeAndre Jordan.


Sa ibang laro, Sinuwag ng Chicago Bulls ang Cleveland Cavaliers, 102-101. Kinatay naman ng San Antonio Spurs ang Orlando Magic, 101-100.Binalibag naman ng Milwaukee Bucks ang Oklahoma City Thunder, 130-110.