April 20, 2024

PHOENIX SUNS, TINUPOK ANG ROCKETS, MIAMI, PILAY SA CELTICS

Tinupok ng Phoenix Suns ang Houston Rockets sa iskor na 123-111. Bumida sa panalo ng Suns si Devin Booker na bumuslo ng 27 points. Kasaa na rito ang 9 boards at 5 assists.


Nag-ambag naman si DeAndre Ayton ng 16 points, 9 boards at 1 block. Sa panig naman ng Rockets, gumawa ang Fil-AM cager na si Jalen Green ng 16 points. Gayundin ng 3 boards at 3 assists.


Sa iba pang laro, pinilay ng Boston ang Miami Heat sa iskor na 95-78. Bumida si Jaylen Brown sa Celtics sa pagbuslo ng 17 points. Gumawa naman si Jimmy Butler para sa Heat ng 20 points, 4 boards at 2 assists.


Nag-ambag naman si Duncan Robinson ng 16 points at 4 boards. Habang 13 points at 7 boards naman ang kay Bam Adebayo.