April 19, 2024

PHOENIX SUNS, TINUPOK ANG DALLAS MAVERICKS

Tinupok ng Phoenix Suns ang Dallas Mavericks sa Game 1 ng West semifinals, 121-114. Nagtuwang sina Devin Booker at DeAndre Ayton upang hablutin ang 1-0 lead sa series. Bumira si Ayton ng 25 points at 8 rebounds.

Si Booker naman ay bumuslo ng 23 points, 9 bords at 8 assists. Habang si Chris Paul naman ay bumistay ng 19 points, 5 boards at 3 assists. Sa panig naman ng Dallas, nasayang naman ang effort ni Luka Doncic.

Bumuslo ang Slovenian star ng 45 points, 12 boards at 8 assists. Nakulangan ng suporta si Doncic sa kanyang teammates. Pumukol lamang si Maxi Kleber ng 19 points at 15 ang kay Dorian Finney-Smith.

Samantalang si Jalen Brunson ay naglista lamang ng 13 points.

Isa rin sa dahilan ay ang malamyang depensa. Kung kaya, natambakan sila ng Phoenix. Kinse puntos ang inilamang ng Suns sa 1st quarter. Lumaki pa ito pagsapit ng third period at naibaba ang lamang sa 7. Subalit, kinapos ang Dallas.