April 23, 2024

Phoenix Suns, nilunod ng Los Angeles Lakers, 112-107 sa preseason game

Kapwa nagdebut sa preseason games sina LeBron James at Anthony Davis. Kung saan hinarap ng Lakers ang Phoenix Suns at si Chris Paul.

Gayunman, nilunod ng Lakers ang Suns, 112-107. Hindi na gaanong nagbabad sa laro ang dalawa.Maikli lang ang minutong ginugol nila. Pero, nakapagtatakang nakababad ang paa nila sa yelo.

Habang nakaupo sila sa bench, kapwa nagjoke ang dalawang  Lakers superstar. Ito’y patungkol sa kanilang current health status.

Fifteen minutes naglaro si James at 18 naman si Davis. Pero, babad sa ice packs ang tuhod nila.

Nagtala si LeBron ng 11 points, 2 boards, 2 assists at 1 steal. Nag-ambag naman si Davis ng 10 points, 4 boards at tig-isang steal at block.Masasabing magaan ang trabaho ng dalawa. Ito’y dahil sa lakas ng line-up nila ngayong 2020-2021 season.

Naka-dalawang panalo na ang Lakers sa preseason game. Muli nilang makakatapat ang Suns sa Sabado.