April 16, 2024

PHOENIX SUNS, INIHAW ANG DENVER NUGGETS SA ISANG BLOW-OUT WIN, 123-98

Nadalawahan na ng Phoenix Suns ang Denver Nuggets sa NBA playoffs West semifinals. Inihaw ng Suns ang Nuggets sa isang blow-out win sa iskor na Game 2, 123-98.

Dahil dito, lamang na sa 2-0 sa series ang Suns.

Pinangunahan ni Chris Paul ang Phoenix sa pagtala ng 15 assists at 0 turnovers. Gumawa rin siya ng 17 points, 5 boards at 1 block.

Nag-ambag naman si Devin Booker ng 18 points, 10 boards at 2 assists. Kumamada naman si Deandre Ayton ng 15 points at 10 rebounds.

Sa panig naman ng Nuggets, naglista si league’s MVP Nikola Jokic ng 24 points at 13 boards.
Sa first half ng laro, medyo nakasasabay pa ang Denver.

Pero, iniwanan na into paunti-unti ng Phoenix pagdating sa second half. Hanggang sa maging double digits na ang lamang ng Suns. Natapos ang laro na umabot sa 25 points ang kalamangan ng home team.