March 28, 2024

PH VOLLEYBALL TEAM SA 2022 AVC CUP, MAY LABAN

Photo Courtesy: Spin.PH

Inasembol na ang PH volleyball team na sasabak sa 2022 AVC Cup sa buwan ng Agosto. Ikinamada ang National University Lady Bulldogs core sa line-up. Ang nasabing team ang siyang nagkampeon sa UAAP Season 84 women’s volleyball tourney.

Babandera sa pool si Rookie MVP Bella Belen, Alyssa Solomon, Ivy Lacsina at Jennifer Nierva. Gayundin ang teammates na sina Lams Lamina at Kamille Cal. Sasahugan ang nasabing pool nina Faith Nisperos ng Ateneo Lady Eagles.

Isinama rin si UST volleybelle team captain Eya Laure. Sa ganang akin, okay ang ganitong line-up. Kasi, may pagka- wild and free. Hungry at palaban at nagkakamuyan na. Di gaya ng nitong nagdaan na isa o dalawang linggo lang inasembol. Kaya, wala pang gaanong jive.

Isa pa, mga bata at batak kaya kayang makipagsabayan. Naghahanda na ang team sa continental tilt. Na idaraos sa Agosto 21-29 sa Philsport Arena sa Pasig City. May laban ang team na ito kaya abangan natin ang bangis nilang manakmal.