April 19, 2024

PH PARA DANCE, PREPARADO NA SA WORLD PARA MEET SA SOKOR

Kumpiyansa ang Philippine Para Dance Sports team sa kanilang pagsabak sa World Para Dance Sport sa Ulsan, South Korea sa Nov. 26-28. Anila, tiyak na nasa kondisyon ang mga atleta dahil mahaba ang time para sa preparation.


“We still have one month to prepare and we will do our best in training,” ani head coach Genice Bong Marquez sa online PSA forum.


Ang nasabing torneo ay lalahukan ng mahigit sa 40 bansa. Kasama ang Russia, United States at Ukraine.


Maganda rin ang performance ng team sa katatapos na Polish Open. Kung saan, nagkuwalipika ang Para Dance sa last qualifier. Kung saan, nakasungkit sila ng 7 gold, 4 silver at 8 bronze.