April 19, 2024

PARTY AY MINSAN LANG, KAYA OKS LANG BASTA SUNDIN ANG ALITUNTUNIN

Habang pababa na ang alert level ng kaso ng COVID-19 sa NCR mga Cabalen, mukhang magiging masaya na ang madla. Masasabi nating magiging happy na ang holiday season natin.


Ika nga ng OCTA Research Group, pwede nang magdaos ng pagtitipon. Kabilang na rito ang ‘Christmas Party’ sa December. Pero, aplikable lamang ito sa mga vaccinated na. May punto naman di ba?

Good news ito at sana naman pwede. Kasi, minsan lang ito sa isang taon. Kaya lang, may susundin ding healt protocols para safe ang mga tao. Gayunman, may agam-agam pa ang Department of Health (DOH) dito. Kaya nga, dapat pa rin ipatupad ang minimum health protocols.


Lalo na sa pag-iwas sa crowded places at dikitan sa iisang pook. Sa gayun ay iwas hawaan at risks. Pero, kaya namang ipatupad ito ng mga kompanya.

Basta, may distansiya lang. Sana naman, mapagbigyan ang ating mga kababayan na magsama-sama. Kahit minsang lng upang madama ang diwa ng pagmamahalan at biyaya ng Kapaskuhan.