April 20, 2024

PAMILYA NG BABAENG NASAWI HABANG NAGHIHINTAY NG BUS, BINIGYAN NG P100-K NI KUYA WIL


LABIS na nalungkot si Willie Revillame sa sinapit ni Michelle Silvertino, ang ginang na pumanaw habang naghihintay ng masasakayang bus pauwi sa kanyang pat na batang anak na nasa Bicol.

“Nakakabagbag-damdamin, nakakahabag ng puso,” sabi ni Kuya Wil sa “Tutok To Win” nitong Huwebes nang malaman ang nangyari kay Michelle sa GMA News “24 Oras.

“Noong napanood ko ho ito kagabi… Bakit ho nangyayari ito ngayon sa ating mga kababayan? Kawawa ‘yung mga anak na naiwan,” saad pa ng TV host.

Agad na tinawagan ni Kuya Wil ang isang kapatid ni Michelle na si Josie para pagkalooban sila ng tulong.

Lalo pang humanga si Kuya Wil kay Michelle nang sabihin ni Josie na huli silang nagkausap ng kaniyang ate noong Mayo nang manghiram siya rito ng pera at nagpadala naman sa kaniya.

 “Ang bait naman ng ate mo si Michelle,” sabi ni Kuya Wil kay Josie.

Dahil sa pangyayari, nagbigay ng P100,000 si Kuya Will para makatulong sa mga naulilang anak ni Michelle.

“Gusto ko sanang makatulong, ng Wowowin family. Gusto kong magpadala ng pera sa inyo para pantawid sa hirap ng inyong mga pamangkin. Magpapadala ako ng pera P100,000 para sa pamilya niyo, para sa mga bata, para sa pagpapaaral nila,” sabi ni Kuya Wil.