April 25, 2024

PAGHAHAMON NG DEBATE NI SEN. PACQUIAO SA KAPWA PRESIDENTIAL ASPIRANT, UUBRA KAYA?

Mga Cabalen, sadyang nakakatawa sa ganang akin ang pahayag ni Sen. Manny Pacquiao. Bakit kanyo? Ang lakas kasi ng loob nitong maghamon ng face-to-face debate. Deal or No Deal kaya?


Hinahamon niya marahil ang mga kapwa niya kandidato sa pagka-Pangulo. Aber, may ibubuga naman kaya siya? Hindi sa minamaliit natin si ‘Pacman’. Kaya lang, ang masasabi lang natin, mga Cabalen, baka mapasubo siya sa kanyang hamon.

Maliban na lang kung marami siyang baon o siya ang magtatakda kung anong lenngguwahe ang gagamitin sa debate. Marahil, ang gusto niya ay maglatagan sila ng plataporma.

Pero, naku naman, kaya niya kaya ang mga katunggali niya? ANo ba ang panama niya kay Bongbong Marcos, VP Leni Robredo, Ping Lacson, Sen. Bato at Mayor Isko Moreno?
Batid nating may puso siya sa mga mahihirap.

Pero, ikaw nga ng karamihan sa social media, ok na maging ‘People’s Champ’ nila ang senador sa boxing. Pinagbigyan nila siya noong siya’y sumabak sa showbiz, pagiging singer, basketeer at iba pa.


Pero, ang lusungin ang pinakamataas na posisyon sa bansa, aba’y ibang usapan na ito. Saan niya kaya dadalhin ang bansa kapag siya ang nanalo? Ang tanong, mananalo nga kaya siya?
Di kaya nahihibang lang siya?

O nakikinig sa mga alipores niya kung ano ang gagawin? Di kaya, para lang itong mga linta na sinisipsip ang kanyang dugo? Na sa halip na mapabuti siya ‘e itinutulak nila siya sa bangin?


Tingnan antin kung matutuloy ang debate. Kapag nagkataon, nakikita na natin kung saan siya pupulutin.