April 25, 2024

PACQUIAO LIYAMADO KAY UGAS

Liyamadong liyamado sa mga pustahan ng mga sugarol sa Las Vegas si Manny Pacquiao.

Kinikilala pa rin ng mga mananaya doon ang kakayahan ni Pacman sa kabila na 42-anyos na ito.

Lalo namang nabaon sa pagiging underdog ang Cuban champion na si Yordenis Ugas dahil hindi pa ito kilala.

Lumalabas sa betting odds sa Vegas na dehado sa mga sugarol si Ugas.

Ayon sa report, ang $375 na taya mo kay Pacquiao ay mananalo lamang ng $100 dollars.

Habang kung pupusta naman ng $100 dollars ang isang mananaya kay Ugas ay malaki ang panalo na aabot ng $295 dollars.

Kung maalala ang Las Vegas ay matagal ng itinuturing na gambling capital of the world.