April 19, 2024

PACQUIAO-ATIENZA TANDEM ‘DI SUPORTADO NG MAKABAYAN

Itinanggi ng Makabyan na susuportahan nila sa Halalan 2022 ang presidential aspirant na si Sen. Manny Pacquiao at ang kanyang running mate na si Rep. Lito Atienza.

Una rito, sinabi ni Atienza sa isang press conference na nakipagpulong sa kanila ang mga lider ng Makabayan noong Miyerkoles at nangako na susuportahan ang kanilang kandidatura.

“Iyun ang aking narinig kahapon sa pulong namin andoon lahat ang mga lider and they committed to a Pacquiao-Atienza tandem… I heard, I saw it and I was a witness to it. I thanked them already,” saad ni Atienza. 

Subalit sinabi ni Bayan Muna chairman at senatorial aspirant Neri Colmenares, na walang katotohanan” ang sinabi ni Atienza.

Ang Makabayan ay isang political coalition kung saan ang mga miyembro nito ay ang Bayan Muna, Anakpawis, Gabriela, Kabataan, at iba pa.

“Makabayan has not endorsed any presidential bet at this time because it is still in the process of consulting the candidates on platforms and programs, while pushing for the broadest possible unity to defeat Duterte and Marcos,” saad ng Makabayan sa naunang pahayag.