April 20, 2024

PACERS, GINAROTE ANG WARRIORS, KNICKS, TINUKA NG PELICANS

Nagtala ng back-to- back wins ang Indiana Pacers sa 2 nights road game. Panibagong biktima nito ang Golden State Warriors, 121-117.


Bumida sa panalo si Chris Duarte na bumuslo ng 27 points, 7 boards at 3 ast. Sa panig naman ng Warriors, bumira si Stephen Curry ng 39 points, 8 assists at 5 boards.


Nakalusot ang Pacers kahit hindi naglaro sina Domantas Sabonis. Gayundin din si Malcolm Brogdon at si LeVert.
Bumida naman si Jonas Valanciunas sa pagtuka ng New Orleans Pelicans sa New York Knicks, 102-91.

Kumana si Valanciunas ng 18 points at 10 rebounds. Nag-ambag naman sio Josh Heart ng 17 points at 7 rebounds.