April 24, 2024

P680K SHABU NASABAT, BABAE NA SANGKOT SA MALAKIHANG BENTAHAN NG DROGA SA SOUTHERN METRO KALABOSO!



TIMBOG ang 32-anyos na babae sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ni NCRPO RD PMGen Vicente Danao Jr sa pamumuno ni RID- Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) Chief PLTCol  Ryan Orapa, sa malakihang bentahan ng droga sa Muntinlupa City.

Nahuli sa suspek na si Ma Concepion Gonzales, residente ng 187 Quezon St., Brgy Poblacion, Muntinlupa City ang dalawang transparent plastic  naglalaman ng tinatayang 100 gramo ng shabu, may DDB value na P680K, makaraang magpositibo ang buy-bust na ikinasa sa kahabaan ng National Road Alabang Viaduct Brgy., Alabang.

Katuwang ng RID-RDEU sa naturang anti illlegal drugs buy-bust ang SDEU ng Muntinlupa City Police Station na may  koordinasyon sa PDEA NCR.

Pinuri ni RD DANAO ang mga operatiba ng RDEU ni PLTCOL ORAPA at Sdeu ng MCPS sa matagumpay na operasyon sa pagkatimbog sa suspek sa malakihan drug trade  sa Southern Metro Manila.