March 28, 2024

FUTURE FILIPINO CHESS GRANDMASTER MAGMUMULA SA MARINDUQUE – GOV. VELASCO

Nag-courtesy call sina WGM Janelle Mae Frayna at WIM Bernadette Galas kay Marinduque Gov.Presbiterio Velasco,Jr. kahapon saksi si PA Myke Velasco.

UNANG naging panauhin ni Marinduque Governor Presbiterio Velasco, Jr. at lone district Representative Lord Allan Velasco ang kauna-unahang Chess Grandmaster sa Asia na si GM Eugene Torre ng Pilipinas noong nakaraang taon bilang espesyal na bisita ng nakaraang chess classic event sa  Boac, Marinduque.

Kahapon  ay naging bisita naman ng ama ng lalawigang si Gov. Velasco ang kauna-unahang Woman Grandmaster ng bansa na si WGM Janelle Mae Frayna sa kanilang courtesy call kay Gobernador sa kanyang tanggapan sa Kapitolyo ng Kabisera ng lalawigan.

“Wish ko, ang susunod ng chess grandmaster ng bansa ay magmumula dito sa Marinduque na  lunduyan ng mahuhusay na talento sa larangan ng ahedres at kailangan lang na madiskubre,” wika ni Gov. Velasco sa presensya ni WGM Frayna.

Ito ang dahilan kung bakit todo suporta ang Ama ng Marinduque partikular sa isusulong na prestihiyosong BKCCI First Governor’s Cup Chess Championship bukas sa MSC Gymnasium sa Tanza,Boac na isang talent search na torneo sa grassroot level.

Ayon kay event coordinator Giovanni Buhain ng nag-organisang Boac Knights Chess Club, Inc. na pinamumunuan ni club president Engr. Lauro Bautista, ang kaganapang todo suportado ni Gov. ay bukas para sa lahat ng chess enthusiasts sa lalawigan at karatigkung saan ang mga mamamayagpag sa isang araw na chess festival ay kaisa sila sa naturang adbokasiya.

May nakalaang premyong salapi at eleganteng tropeo sa kagandahang loob ng Gobernador kasulong si Cong Lord Allan.

“Kumpirmado  ang paglahok ng ating mga kababayang entusiyastiko sa larangan ng ahedres mula sa open division, kiddies,female at seniors category.Pati dayuhan ay welcome sa ating chess sport festivity”, wika ni Buhain.

” We organized this  momentous sport event to help the youth to be disciplined in their way of life through playing chess and to mould the future Marinduqueño GM”, aniya pa.

Ang naturang courtesy call kay Gov.kahapon ay tampok na  bahagi sa kanyang pagiging espesyal na panauhin sa pambungad na seremonya ng buwenamanong Governor’s Cup  nina Women GrandMaster (WGM)  Frayna ng Philippine Women’s Chess team at teammate niyang si WIM  Bernadette Galas saksi si PA Myke Velasco, na tiyak na magbibigay ng inspirasyon at motibasyon sa Marinduque chessers.