March 28, 2024

P2.7M NA DROGA NASAMSAM SA BUY-BUST SA MAKATI

Aabot sa 2.7 million pisong halaga ng illegal na droga ang nasabat ng mga operatiba ng Makati Station Drug Enforcement Unit kasunod ng isinagawang buy-bust operation laban sa dalawang drug personalities sa Kalayaan Avenue, Brgy. West Rembo, Makati City.

Kinilala ni SPD District Director, PBGen. Jimil Macaraeg ang dalawang suspek na sina Lucky Chinwe Ugboaga alias Negro, isang Nigerian national at Rowena Brojas Reyes alyas Buntis, kapwa nakatira sa DasmariƱas, Cavite.

Nakumpiska sa kanila ang 400 grams na shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P2.720,000 sakay ng kanilang dalang sasakyan na Toyota Altis.

Ayon kay Gen. Macaraeg ang pagkakaaresto sa suspek na Naigernian National at kasamahan nito ay patunay na ang kapulisan ng Southern Metro ay hindi titigil sa pagsugpo sa illegal na droga na sumisira sa kinabukasan ng mamamayan. Kapwa nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.