April 19, 2024

P1-M SHABU NALAMBAT SA MAYNILA

NALAMBAT sa isinagawang buy-bust operation ang mahigit sa P1 milyon halaga ng shabu sa Maynila nitong Sabado, kung saan arestado ang tatlong katao.



Kinilala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang tatlong naarestong drug suspek na sina: Anna Loivina De Leon alias Anna,38-years old; Atilano Layosa alias Raprap,37-anyos at Cristina Lim, 38-anyos.

Nakuha sa kanula ang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020.000 at isang baril.


Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Eleazar na kanyang paiigtinging ang anti-illegal drug operations sa ilalim ng kanyang pamumuno.